Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2.5B pekeng produkto nasabat ng BOC

0 49

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P2.5 bilyong halaga ng mga pekeng produkto sa isinagawang pagsalakay sa Pasay City.

Nabatid na kasama ang puwersa ng Intelligence Group, Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division, Port of Manila nang magsagawa ng inspeksyon sa bodega ng One Logistics Center, Taft Ave., Ext. noong Nobyembre 19.

Armado ng Letter of Authority na inisyu ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nagsagawa ng inspeksiyon ang grupo na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga pekeng produkto na may mga brand name na Christian Dior, Gucci, Chanel, Louis Vuitton at Fendi.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283) at sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) ang mga may-ari ng pekeng produkto. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.