Abante Tonite Interactive

P2.5B shabu inabandona sa pier

By
361

Umaabot sa 500 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon ang nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila kahapon.

Sa inisyal na report ng PDEA, dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang ma­diskubre sa Manila International Container Port (MICP) North Harbor ang iligal na kontrabando subalit hapon na nang mabuksan ng mga tauhan ng PDEA-National Capital Region (NCR) at ng BOC-Intelligence and Investigation Service.

Ang mga naturang shabu ay nakatago pa umano sa magnetic scrap lifter, at nakasilid sa loob ng abandonadong container van, na natagpuan sa MICP na abandonado na.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, nakasilid ang mga shabu sa fully-sealed metal na nasa ton-inch ang kapal kaya’t maging ang K-9 ay hindi ito maamoy.

Iniimbestigahan pa naman ng mga awtoridad kung saan ipinadaan ang mga naturang kontrabando, na sinasabing mula pa sa bansang Malaysia.
Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, ang bawat kilo ng shabu ay may street value na P5 mil­yon kaya’t ang 500 kilo nito ay tinatayang nagkakahalaga ng hanggang P2.5 bilyon.

Inaalam pa kung sino ang consignee ng mga naturang kontrabando na nadiskubreng naglalaman ng shabu.