Abante Tonite Interactive

P2.5M kada cellphone sa Bilibid

0 348

Ilang high profile inmates umano ang nagagawang magbayad ng hanggang P2.5 milyon para lamang makapagsok ng mga high-end na mobile phone sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang ibinunyag kahapon ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio Evangelista sa ikaapat na pagdinig ng Senado sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) scheme na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

“Merong source ang sinasabi, merong apat na cellphone na nakuha inside Building 14. Paano nakakapasok yun?” pahayag ni Evangelista sa pagdinig.

Ayon kay Evangelista, iang isang mobile phone ay pwedeng ipasok sa piiitan sa presyong P500,000 hanggang P2.5 milyon.

“Ang mabibigat po according to PDEA director, yung mga ganitong klaseng cellphone, maipasok mo for about P2 million to P2.5. ‘Yung mga 2G to 3G, that’s P500,000 to 700,000,” lahad pa nito.

Sabi pa ni Evangelista, tulad ng mobile phone, talamak din ang pagpuslit ng iligal na droga sa NBP, partikular sa Building 14 o maximum security compound.

“Yung proliferation ng illegal drugs and other major activities is still there. It’s happening at masama, compromised po ang Building 14 (maximum security facility),” sabi nito.

“The war on drugs of the President will fail at the end of the day simply because lahat ng intel dito would say 80% of illegal drugs emanating from the New Bilibid Prison,” ayon pa dito.

Bukod sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale scheme, talamak din umano sa Bilibid ang `hospital referral pass for sale’ kung saan sangkot din ang ilang tiwaling mga opisyal ng BuCor

Sa ikaapat na pagdinig ng Senado sa GCTA law, ibinunyag ni Senador Christopher Lawrence `Bong’ Go na maraming mga preso ang nagpapa-confine sa NBP Hospital sa pamamagitan ng pagpeke ng kanilang at pagbili ng tinatwag na `hospital referral pass’.

“We have received reports that some inmates were moved into the New Bilibid Prison Hospital by faking their illness and buying the so-called “hospital referral pass” from BuCor employees,” pahayag ni Go sa pagdinig.

“Nag-papanggap na may sakit para ma-admit sa ospital pagkatapos doon na nagaganap ang illegal drug trading. Hindi lang pala ang GCTA ang for Sale. Pati na rin ang Hospital pass, for sale rin pala sa Bilibid,” dagdag pa nito.

Dahil dito, hiniling ng senador kay Justice Secretary Menardo na imbestigahan ang naturang alegasyon na kinasasangkutan ng mga BuCor employee.