Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2.5M shabu, nakapkap sa tambay

0 1,364

Arestado ang isang binatang tambay na umano ay tulak din ng droga matapos masamsam dito ang nasa P2.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Candelaria, Quezon Lunes ng gabi.

Kinilala ng Candelaria police ang suspek na si Mark Delfin Alinea Sarmiento Alias “Brite”, 23, ng Barangay Malabanban Sur.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng pulisya, isinagawa ng pwersa ng Candelaria police at Quezon Provincial Intelligence branch ang buy-bust operation laban sa suspek alas-9:00 ng gabi, at nakaabili ang isang operatiba ng isang sachet ng shabu.

Matapos arestuhin ang suspek, nakumpiska pa dito ang isang pouch na naglalaman ng 24 pang sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P2,550,000.00. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.