Abante Tonite Interactive

P2.5M shabu nasamsam sa Taguig buy-bust

539

Mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang lalaki at isang menor de edad na babae sa buy-bust operation na isinagawa sa Taguig City noong Sabado ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat, dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek matapos kumagat sa isang pulis na nagkunwaring bibili sa kanila ng droga.

Ikinasa ang buy-bust operation dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. Maharlika Village kung saan nagpositibo ang mga suspek sa droga

Ayon pa sa ulat, 16 na sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek na nagkakahalaga ng P2.5 milyon,

Nasa kustodiya na ng pulisya ng mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tonite – Wendys Inhouse Ad