Abante Tonite Interactive

P2.6B alokasyon sa irigasyon, pasok sa 2018 budget

By ,
110

Bukod sa benepis­yong mapapala ng mga estudyante sa kolehiyo at uniformed personnel base sa nakapaloob sa 2018 national budget, sigurado na rin, ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles, na hindi maiiwan ang pagtataguyod sa kapa­kanan at pangangaila­ngan ng mga kababa­yang magsasaka.

Inihayag ni Nograles na nakasapin sa P3.767 trilyong General Appropriations Act (GAA) para sa 2018 ang P2.6 bilyong alokasyon para sa libreng irigasyon bilang bahagi ng Farmer Assistance Program ng administrasyong Duterte.

“From the outset, President Duterte has vowed to help boost farmers’ production by subsidizing their irrigation needs. He highlighted this yet again when he signed the 2018 GAA on Tuesday (Disyembre 19, 2017). It’s our responsibility as lawmakers to facilitate the Chief Executive’s worthy causes,” paha­yag ni Nograles.

Binanggit ni Nograles na ang P2.6 bilyong irrigation fund ay katumbas ng 30 porsiyentong increase mula sa alokasyon nitong 2017.

“In the 2017 budget, we set aside the amount of P2 billion as subsidy for free irrigation, and we did it again in the 2018 budget with a higher allocation of P2.6 billion,” ani Nograles.

Batay sa National Irrigation Administration (NIA), ang Pilipinas ay mayroong 10.3 mil­yong ektaryang lupaing pang-agrikultura at mula sa lawak na ito ay 3.1 milyong ektarya ang lubhang nangangailangan ng patubig.

Ang problema sa irigasyon ang isa sa matagal ng pasanin ng mga magsasakang Pinoy.