Abante Tonite Interactive

P20 coin dagdag bigat sa bulsa

380

Magkakaroon na ng katapat na coin ang P20 bill, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Governor Dahlia Luna, kasaluku­yang isinasapinal ang design ng nasabing P20 coin na maaaring ilunsad sa 4th quarter ng 2019 o sa 1st quarter ng 2020.

Ikinunsidera umano ang coin version ng P20 bill makaraan ang isang pag-aaral ng University of the Philippines kung saan natukoy na madalas na gamitin ang papel ng P20 sa lahat ng banknotes na dahilan upang ito ang maging pinakamarumi sa lahat ng perang papel.

Mas matibay din ang coin kumpara sa papel na mabilis na masira lalo na kapag matagal nang ginagamit.

“The lifespan of a coin when recirculated is more than 10 to 15 years compared to banknotes which is less than one year,” sabi pa ni Luna.