Abante Tonite Interactive

P20 kada tray taas-presyo ng itlog sa Bulacan

370

Tumaas na ang presyo ng itlog sa lalawigan ng Bulacan dahil umano sa kakulangan ng suplay nito.

Batay sa ulat, P20 kada tray ang itinaas ng ­presyo ng itlog sa lalawigan.

Dati umano ay nasa P160 hanggang P180 ang presyo ng kada tray ng itlog pero tumaas ito ­bunsod ng kakulangan ng suplay mula sa mga manukan sa lalawigan.

Samantala, inihayag naman ng mga livestock farmer na sisikapin nilang huwag tumaas ang ­presyo ng manok sa mga pamilihan ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ito’y sa gitna ng mga pangamba na baka ­tumaas ang presyo ng manok dahil na rin sa African Swine Fever (ASF) outbreak na nakaapekto sa mga ­karneng baboy sa bansa.