Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2000 bill ni Miriam bigay-pugay kay Rabiya

0 119

NI: ARCHIE LIAO

Isang netizen na obviously ay faney ng nanalong Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ang gumawa ng P2,000 bill para bigyan ng pagpupugay ang nasabing beauty queen.

Ang naturang peso bill na viral at nagci-circulate sa social media ngayon ay may mukha ang dating senador at namayapang presidential aspirant na si Miriam Defensor-Santiago.

Marami ring simbolismo na nakapaloob sa pinag-uusapang peso bill.

Kulay pula ito . Tampok din ang iba’t-ibang landmarks ng Iloilo City tulad na lamang ng Jaro Cathedral at ng rafflesia speciosa flora na isa sa mga endemic species ng Panay.

Parang nagmukhang tribute ito sa Iloilo kung saan nagmula si Rabiya at maging ang namayapang senadora.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang sa question and answer portion ni Rabiya, natanong siya kung sinong phenomenal icon ang gusto niyang maitampok sa new Philippine currency at bakit.

Sinabi niya na walang iba ito kundi ang idol niyang senadora na tinawag pa niya na “The President we never had.”

Naniniwala rin siyang ginabayan siya ng matapang na senadora para maitawid niya ang kanyang winning answer.

“I feel that question was destined for me,”pakli niya.

Bago raw kasi ang pageant night, pinanood pa niya ang biography ng buhay ni Miriam kaya sakto namang nang matanong siya sa Q and A, ito ang naisip niya.

Maalaalang pagkatapos manalo, nagbigay-pugay naman ang mister ni Miriam na si Narciso kay Rabiya dahil sa kanyang viral na sagot ukol sa senadora.

Naging usap-usapan din ang reigning Miss Universe Philippines dahil pagkatapos niyang magwagi ay bumili ito ng mamahaling kotse para sa sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.