Abante Tonite Interactive

P200K cash natangay sa mag-asawang may ukay-ukay

0 332

Tinatayang P200,000 cash ang natangay sa mag-asawang negosyante makaraang masalisihan ng mga di kilalang salarin nitong Miyerkoles sa Purok Sampaguita 2, Brgy. South Poblacion, Gabaldon, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Marty Aberin Cristobal, 40 at Maricel Soriano Cristobal, 34, mga residente sa naturang lugar.

Sa salaysay ng mga biktima, alas-8:15 ng umaga, nag-deliver sila ng panindang ukay-ukay sa Brgy. Ligaya, Gabaldon at pagkaraan ng kulang 2-oras ay nakabalik na ng bahay.

Dito na natuklasan ng mag-asawa na nawawala ang halagang P196,000 habang sila ay naglilinis sa kanilang silid.

Hinihinala nilang nakapasok ang mga salarin sa nakabukas na bintana sa kanilang tahanan.(Jojo de Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad