Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P204K iligal na droga nasabat sa 2 tulak

0 56

Naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasig Police ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng P204 libong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation, Sabado ng madaling araw sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni PBGen. Johnson Almazan, Eastern Police District (EPD) District Director na isinumite ni Pasig Chief of Police Col. Moises Villaceran, Jr., ang dalawang suspek na kapwa nasa listahan ng Pasig City Drug Watchlist ay sina Ryan Bidong, 28, ng Taytay, Rizal; at Mark Emer Amandy y Español, 33, ng Pasig City.

Nasamsam sa dalawa ang 14 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo at nagkakahalaga ng Php204,000.00 at Php500.00 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.