Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P205K shabu nasasamsam sa Marikina

0 334

Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng P205,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Barangay Fortune, Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Russel Galanza, 42, Jhune Rivera, 46, construction worker at Jay Garcia, 49.

Inaresto ang tatlo alas-9:40 Huwebes ng gabi sa San Miguel Phase 1, Brgy. Fortune, matapos makatanggap ng tip kaugnay sa pagtutulak ng tatlong hindi pa kasama sa drug watch list ng barangay at Marikina Police matapos magbenta ng droga sa isang pulis na umaktong buyer ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo, drug paraphernalia at P500 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.