Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P20B DPWH budget itulong sa mga binagyo – Lacson

0 302

Iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na i-realign ang P20 bilyong alokasyon sa aniya’y “useless” na multi-purpose building project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disaster rehabilitation assistance sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang mga bagyo.

SM food to go Banner Ad

Sa deliberasyon ng panukalang 2021 national budget, sinabi ni Lacson na mas mabuting ilipat na lamang ang naturang pondo para matulungan ang mga local government unit (LGU) na makarekober sa katatapos lang na kalamidad sa halip na magtapon ng bilyong pisong halaga sa hindi matapos-tapos na multi-purpose na mga gusali.

Sabi pa ni Lacson, ang nasabing mga proyekto ay napondohan na ng mga LGU subalit subalit pinaglaanan pa rin sa ilalim ng panukalang 20201 national budget. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.