Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P20B hirit para sa COVID vaccine ng mga bata

0 268

Kinakailangan ng pamahalaan ng karagdagang P20 bilyong pondo para makabili ng bakuna kontra COVID-19 sa mga kabataang Pilipino.

Inihayag ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez III kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensiya ng gobyerno na tukuyin kung may mga natira pa sila mula sa 2020 budget para masuportahan ang kinakailangang P75 bilyon pang pondo para sa pagbabakuna ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Dominguez, P20 bilyon ang kailangan para mabakunahan ang nasa 15 milyong mga kabataang Pinoy na edad 12 hanggang 17 taong gulang.

SM food to go Banner Ad

“As we are also anticipating acquiring booster shots for next year for about 85 million teenagers and adults, we will be needing another P55 billion,” sabi pa ni Dominguez.

Inihayag ito ng kalihim kasunod ng mga ulat na mayroon nang pahintulot ng US regulators ang Pfizer vaccine para gamitin sa mga batang edad 12-anyos pataas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.