Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P20B NIA project palpak na, humirit pa ng P500M

0 57

Ibinunyag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang maraming proyekto ng National Irrigation Administration (NIA) na natengga sa kabila ng pondong inilaan para dito.

Ginawa ito ng senador sa kanyang interpelasyon sa panukalang P31.49 bilyong budget ng NIA para sa 2021.

Base aniya sa Commission on Audit (COA) report, mula 2017 hanggang 2019, pinakita ang “pattern of delays” ng NIA sa implementasyon ng mga proyekto nito.

Sa 2017 COA report aniya, nalaman na may 436 irrigation project na nasa P11.93 bilyon ang total contract cost ang natengga sa loob ng pitong taon dahil sa kawalan ng maayos na pagpaplano at execution ng mga survey, investigation at engineering design.

Nakasaad naman sa 2018 COA report na 299 irrigation project na may total cost na P20.7 bilyon ang natengga sa loob ng anim na taon. Habang sa 2019 COA report, 288 proyekto na may total cost na P10.103 bilyon ang natengga rin sa loob ng tatlong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihalimbawa pa ni Lacson ang Balog-Balog multipurpose project sa San Jose Tarlac na base aniya sa 2018 COA report ay natengga ang P20.7 bilyong proyekto.

“Construction of the BB irrigation canal and a dam reportedly started during the presidency of the late President Corazon Aquino. In 1992, NIA proposed to implement the BB project in two phases, with Phase 1 covering 12,475 hectares. Phase 2 was approved by NEDA in May 2015, with the project involving the construction of new irrigation service for 21,935 hectares and stabilization of water supply to the currently irrigated areas of 12,475 hectares developed under BBMP Phase 1,” ani Lacson.

Inaasahang matatapos aniya ang Phase 2 ng proyekto noong 2018 subalit base sa pag-inspeksyon ng kanyang team noong Nobyembre 16 ay “halos walang nangyari”. Tapos humihingi pa umano ng pondo na P500 milyon ang NIA para sa 2021.

“Now my question is, considering the track record of the construction delays and other issues involved, what can P500M accomplish to contribute to the completion of the project in 2021?” tanong pa ni Lacson.

Kinuwestyon pa ng senador kung ano ang mga ginagawang hakbang ng NIA para ayusin ang implementasyon ng kanilang mga proyekto.

Inihayag naman ni Senador Cynthia Villar na nakahanda siyang magpatawag ng imbestigasyon hinggil sa mga isyung hinalungkat sa NIA kung maghahain ng resolusyon si Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.