Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P20M shabu kumpiskado sa Jolo

0 310

Umaabot sa tatlong kilo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na P20.4 milyon ang nakumpiska sa isang suspek sa buy bust operation kahapon sa harap ng isang restaurant sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Kinilala ang naarestong si Ejek Ali Abdulahim, 44, may-asawa, taga-Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomuos Region, alas-11:15 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Sulu PNP; Regional Intelligence Unit 9; Jolo Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency laban sa suspek sa may Foodies Restaurant, Brgy. Walled City.

Gamit ang buy bust money at isang pirasong P1,000 bill na nakalagay sa isang envelope ay nakipagtransakyon ang isang police poseur buyer sa suspek.

Matapos magkapalitan ng pera at iligal na droga ay saka inihudyat ang pagdakip sa suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.