Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P20M shabu nasabat sa bumulagtang tulak

0 98

Patay ang isang drug suspect habang nakatakas ang kasama nito sa naganap na engkwentro laban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) kung saan nakuha sa mga suspek ang nasa P20.4 milyon halaga ng shabu sa loob ng sementeryo sa Barangay Carreta, Cebu City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Philippine National Police-Officer in Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr, ang napatay na suspek na si Mark Ronald Matig-a alyas Onad, habang nakatakas naman ang kasama nitong si June Tonacao.

Sa ulat, kahapon ng madaling araw nang isagawa ang buy bust ng mga tauhan ng Special Operation Unit 7 ng PDEG, kasama ang iba pang unit ng pulisya sa Chinese cemetery sa Barangay Carreta, Cebu City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga suspek gamit ang buy bust at boodle money.

Sa gitna ng transaksyon ay nakahalata ang mga suspek na pulis ang kausap kaya agad itong binaril ng isa sa suspek. Naka-bullet proof vest ang poseur buyer kaya hindi tumagos ang bala sa kanyang katawan.

Nagkaroon na ng palitan ng putok hanggang sa mabaril si Matig-a.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 3-kilo ng pinaniniwalaang shabu na nasa P20.4M ang halaga, buy bust money, KG-9 machine pistol, 9mm na kalibre ng baril at mga bala ng mga ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.