Abante Tonite Interactive

P20M shabu nasamsam sa Chinese, 3 Pinoy

300

By Orlan Linde/Dolly Cabreza

Aabot sa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalagang P20,200,000.00 ang nakumpiska sa isang Chinese national at tatlong kasamang Pilipino sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City nitong Biyernes, Mayo 17.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino ang mga nadakip na sina Wu Lianlai, Chinese national, at kasamang sina Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr., at Christopher dela Cruz.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Aquino, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib ng puwersa ng PDEA sa 09-B Cadena de Amor St., Bahayang Pag-Asa, Brgy. Maysan, Valenzuela City, dakong alas-12:30 nang tanghali nitong Biyernes at nadakip ang mga suspek.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang tatlong pakete ng heat-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa 3-kilo na nagkakahalagang P20,200,000.00 at buy-bust money.
Ang mga nadakip ay nakapiit ngayon sa PDEA headquarters habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.