Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P21M imported kontrabando winasak

0 149

Mahigit sa P21 milyong halaga ng mga imported na makinarya na ginagamit sa pag-imprinta ng pakete at kahon ng mga pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Custom at Department of Trade and Industry sa Greenleaf 88 Waste Disposal Compound sa Porac, Pampanga kahapon.

Sa pangangasiwa ni Christian Loveria, operation officer ng BOC Port of Clark, ang mga nakumpiskang kontrabando kabilang ang 2 imported printing machine, 2 paper cutting machine at 2 transformer ay winasak at dinurog ng isang backhoe.

Kabilang din sa mga sinira ang mga printing ink at fake finished labels ng mga branded cigarettes tulad Fortune, The Fort, Union, Hope, More, Jackpot, Marvel, Mighty, Astro at Two Moon na pawang ginagawa umano ng Phillip Morris Tobacco Inc.

Ang mga sinirang kontrabando ay nakumpiska sa isang warehouse sa Valenzuela, Manila at pag-aari ng isang nangangalang Michael Jamora noong Hunyo 25, 2019. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.