Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P23.5M ecstasy nabulatlat sa NAIA

0 341

Aabot sa mahigit P23.5 milyong halaga ng party drugs ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Ayon sa NAIA-BOC umabot sa 13,824 tableta ng party drugs o kilala bilang ecstacy ang nasamsam sa CMEC bonded warehouse na nakadeklarang ‘coffee at Kid toys’.

Ang party drugs ay tinatayang P23,500,800 na dumating sa bansa at nakapaloob sa pitong parcel at may iba-ibang consignee.

Ang shipment ay galing Netherlands at Belgium na idineklarang ‘coffee gondoliers Espresso beans, Caffe Gondoliere Crème Bonen’ Gondoliere Coffee (Arabica), Fishing Ba’ath, energy Saving LED lights, Pillow for Kids, Disney Pixar-The Secret Life of Pets”.

Sa isinagawang eksminasyon ng NAIA-Customs lumitaw ang iba-ibang kulay na tabletas ng ecstacy at ito ay kinumpirma ng PDEA sa isinagawang field test.

Ang mga ilegal na droga ay nasa sa kustodiya na ng PDEA. (Otto Osorio)

Merque3 (crime)

Takas na Kano naispatan sa Batangas

Nakatakdang sipain ng Bureau of Immigration (BI) ang isang takas na Amerikano na wanted ng mga awtoridad sa California dahil sa pag-atake at pag-iingat ng armas.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang 45- nyos na dayuhan na si Peter Alex Drier, na naaresto noong Agosto 5 sa Bgy. Dayap Itaas, Laurel, Batangas ng pinagsanib na puwersa ng Fugitve Search Unit (FSU) at pulisya ng Batangas.

Inilabas ni Morente ang mission order sa ikadarakip ni Drier dahil na rin sa kahilingan ng US embassy sa Maynila na inabisuhan ang BI na ang pasaporte ng pugante ay kinansela na, kaya isa na itong undocumented alien.

Dahil dito, isasama na ang pangalan ni Drier sa immigration blacklist upang maiwasan na muli itong makapasok ng bansa.

Ayon sa embahada ng US, si Drier ay may outstanding arrest na inisyu ng police department sa San Diego, California dahil sa kabiguang sumipot at sagutin ang kasong assault with deadly weapon. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.