Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P23M puslit na mga smartphone sa Clark, buking

0 92

Nakumpiska ng mga opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Clark ang mga smuggled na cellphone na umaabot sa halos P23 milyon ang halaga.

Ayon sa report nitong Sabado ng Clark Development Corp., kabilang ang kontrabando sa 88 cargo box na idineklarang mga computer item at naka-consign sa Omega Six Global Corp., sa Iloilo City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakita sa kontrabando ang may 3,520 piraso ng mga Realme C15 smartphone sa ginawang pag-iinspeksiyon noong Marso 5 kung saan umabot ang kabuuang halaga nito sa P22.8 milyon.

Ani lawyer Ruby Claudia Alameda, BOC-Clark District Collector, P2.8 milyong buwis ang nawala sa gobyerno dahil sa mga naturang smuggled item. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.