Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P247M huling sahod ni Williams sa Nets

0 351

Nitong Martes, tinanggap ni Deron Williams ang pinakahuli niyang paycheck mula sa Brooklyn Nets – tatlong taon matapos niyang mag-retiro sa NBA.

Taong 2012, pinapirma ng Nets si Williams ng five-year, $98.77 million. Edad 28 lang siya noon at galing sa 21.0-point, 8.7-assist season.

Pero bumaba ang laro ni Williams kumpara sa kanyang price tag. Nag-desisyon pa ang Brooklyn na mag-rebuild pagkatapos ng 2014-15 season kaya pinakawalan si Williams at isa pang star ng team, si Joe Johnson na nagkakaedad na rin noon.

Buy out ang offer ng Brooklyn kay Williams, pero hindi pa agad binayaran ng team ang natitira pa sa kontrata. Sa halip, hinati-hati ang natitira pang $27.5 million para bayaran sa susunod na limang taon.

Mula 2015 hanggang 2020, binabayaran ng Nets si Williams ng $5 million taun-taon kahit hindi na naglalaro. Pag-alis ng Brooklyn, nakakuha pa siya ng $10M contract sa Dallas Mavericks at naglaro ng isang taon pa sa Cleveland bago nag-retire. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.