Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P24B ayuda bibiyakin sa 1M private worker

0 222

Pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukalang bigyan ng P8,000 wage subsidy sa loob ng tatlong buwan ang nasa isang milyong manggagawa sa pribadong sektor na apektado ng lockdown.

Target ng gobyerno na maglaan ng P24 bilyong pondo para sa ayuda.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, layunin nitong mapanatili at maprotektahan ang mga kasalukuyang trabaho.

Kapag naaprubahan, prayoridad na mabigyan ng ayuda ang mga manggagawa sa mga mga micro, small and medium enterprise o MSME na nagpapatupad ng flexible work arrangement o pansamantalang nagsara ngayong pandemya.

Sabi ni Lopez, bahagi ito ng “8-Point Employment Recovery Agenda” ng pamahalaan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.