Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P258M shabu nasabat sa condo ng Chinese

0 82

Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police Dis­trict (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 38 kilo ng shabu na may street value na P258 milyon sa isang condominium unit sa may Remedios St., Malate, Maynila kahapon.

Ang pagsalakay ay bahagi ng follow-up operation ng mga awtoridad matapos ang pagka­kahuli sa Chinese national na si Sy Zhunchen noong nakalipas na Linggo, at pagkakasamsam ng may 155 kilos shabu sa Imus, Cavite.

Naganap ang operasyon pasado alas-12:00 ng tanghali, kung saan nakuha ang shabu sa van at sa loob ng condominium ni Zhunchen.

Nabatid na matagal na umano ang operasyon sa iligal na droga ni Zhunchen na aakalain diumano na isang casino player lang.

Sinalakay ng mga awtoridad ang condominium unit bitbit ang search warrant.

Nakalagay pa sa mga pakete ang mga nasamsam na shabu.

Sinabi ng PDEA na matagal na nilang sinusubaybayan ang iligal na aktibidad ni Zunchen.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drug Act of 2002 ang suspek sa Manila Prosecutors Of­fice. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.