Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P25B kapos sa pambili ng COVID bakuna

0 198

Kailangan pa ng gobyerno ng P25 bilyong pondo para ipabili ng karagdagang bakuna kontra COVID-19.

Sa kabila ito ng milyon-milyong bakuna na nauna nang COVID-19 vaccine na nauna nang binili ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-utang sa mga dayuhang financial institutions.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendell Avisado na mismong ang Department of Finance (DOF) ang nagsabi na kailangan pa ang dagdag na supply ng bakuna na tinatayang aabot sa P25 bilyon.

“Ang Department of Finance ay nagsabing mayroon pang kakailanganin sigurong additional na P25 billion dahil nagkukulang pa rin. Kahit `yong ating Special Amelioration Program, sa kuwenta natin ay mayroon pa ring kakulangan at iyon ay pinaghahandaan pa rin ng pamahalaan,” ani Avisado.

Pero nilinaw ni Avisado na ang DOF ang maghahanap ng paraan kung saan kukunin ang P25 bilyon.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.