Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P26M danyos iniwan ng sunog sa SM Mega Tower

0 49

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P26 milyon ang halaga ng danyos sa nangyaring sunog sa bahagi ng isang gusali sa EDSA, Man­daluyong City, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Sa update, sinabi ng BFP-NCR na dalawa ang sugatan sa sunog na tu­mama sa ika-24 palapag ng SM Mega Tower resi­dential building.

Kinilala ang mga su­gatan na sina Severino Dequina, 26, na may laceration sa daliri, at Henry Florida, 44, na may abrasion sa daliri.

Patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng su­nog.

Alas-10:26 kamaka­lawa ng umaga nasunog ang 24th floor ng SM Mega Tower sa Barangay Wack Wack at nadekla­rang under control noong alas-1:52 ng hapon.

Naideklara itong fire out, alas-3:50 ng hapon.

Sinabi ni Fire Su­perintendent Alberto de Baguio, Mandaluyong City Fire Marshall, na may mga tao sa loob ng gusali nang mangyari ang sunog.

Naunang inihayag ng Philippine Air Force na nailigtas nila ang nasa 97 indibidwal mula sa nasusunog na gusali.

Sinabi ng SM Invest­ments Corp., ang developer ng Mega Tower, na lahat ng tao sa gusali ay na-evacuate nang mabilis at maayos at nabigyan ng karampatang lunas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.