Abante Tonite Interactive

P275B nasaan? Maja Salvador nagpaulan ng meme

1,281

Gigil na gigil si ‘Wildflower’ star Maja Salvador dahil hindi pa rin niya nalalaman saan napunta ang P275 bilyon, na pondo ng gobyernong Duterte sa pagtugon sa coronavirus crisis.

Kaya naman ngayong Huwebes, naglabas siya sa Twitter ng serye ng mga meme kung saan makikitang nagwawala siya .Kinatuwang niya ang kanyang armadong squad para matagpuan na itong pera ng taumbayan.

Sa caption, sey ni Maja: “ASAN NA YUNG 275B?????? ASAAAAAN?!?!!!,” “Qiqil mo aqoh!!!!,” at “Let’s go friends hanapin natin ang 275B!”

Lalo tuloy napahanga ang maraming netizen kay “Lily Cruz,” este “Ivy Aguas,” este Maja.

@paumenor: “THIS IS THE CELEBRITY THAT WE SHOULD LOOK UP TO! USING THEIR PLATFORM FOR GOOD USE Yellow heart SALUTE MS. MAJA!”

@janustongx: “Shuta ka gh0rl may baril for self defense si Miz Maja!!!!! The army is shaking”

@jowalwyn: “IPAGHIGANTI MO ANG MGA FRONTLINERS IVY AGUAS!!!”

@CarloMay0806: “Nako nandito na si Ivy Aguas. Mumultuhin na kayo ni camila dela torre.ilabas na kasi yong 275B.” (SDC)

Tonite – Wendys Inhouse Ad