Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P291M hazard pay ng PhilHealth iligal – COA

0 106

Labag umano sa batas ang pagbibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng hazard pay sa kanilang mga empleyado na aabot sa P291 milyon, ayon sa Commission on Audit (COA).

Sa kanilang 2019 annual audit report sa PhilHealth, sinabi ng mga state auditor na labag sa RA 7305 o Magna Carta for Public Health Workers ang ibinigay ng ahensiya na P236 milyong hazard pay sa mga regular nilang empleyado at P55 milyon sa mga casual employee mula 2016 hanggang 2019.

Paliwanag ng COA, sa kabila na kinaklasipika ang mga empleyado ng PhilHealth bilang mga public health worker (PHW) sa Universal Health Care Law (UHCL), hindi umano ‘absolute’ ang karapatan nila sa mga benepisyo at allowance kabilang na ang hazard pay sa ilalim ng magna carta, at hindi rin awtomatikong makatatanggap noon.

Ipinunto ng mga state auditor ang Section 21 ng “Magna Carta for PHW” kung saan nakasaad na lahat ng mga public health worker ay kuwalipikadong makatanggap ng hazard pay kung ang uri ng trabaho nila ay expose sa high risk/low risk hazard ng at least 50% ng kanilang oras ng pagtatrabaho.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa listahan ng mga hazard na tinukoy sa batas kung ang mga health worker ay nasa mahirap na lokasyon; mga lugar na may nagaganap na giyera; distressed at isolated station; prison camp; mental hospital; mga radiation exposed clinic; laboratories at disease-infested area; mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity o emergency; expose sa panganib, contagious disease at radiation; at volcanic activity o eruption.

Paliwanag ng COA, “It is clear that only public health workers working in establishments specifically mentioned in Section 21 are entitled to receive hazard pay benefits. As can be gleaned from the preceding provisions/requirements, PhilHealth employees, although considered as PHWs as contemplated under the UHC Law, should not be automatically entitled to receive hazard pay under RA No. 7305, as they fail to meet the primary condition on exposure to specific kinds of hazard.”

“Also, PhilHealth failed to show that the existence of exposure to such hazards was determined by the Secretary of Health or by the head of agency with the former’s approval,” dagdag nito.

Giniit ng PhilHealth na may karapatan ang mga opisyal at empleyado nila sa hazard pay dahil nakakategorya ang mga ito na PHW sa UHCL, at expose rin sa panganib ng kanilang trabaho. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.