Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P292K shabu nasabat sa Marikina

0 159

Umaabot sa 43 gramo o nasa P292,400 na halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang 21-anyos na tulak sa ikinasang buy-bust operations, sa Barangay Tumana, Marikina City kamakalawa.

Naaresto ang suspek na si Benjo Borda matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Marikina Police sa bahay ng suspek alas- 5:30 Lunes ng hapon.

Isang nagpanggap na buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek para umiskor ng droga hanggang sa makumpiska mula sa suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at limang medium transparent plastic sachet na umaabot sa 43 gramo, shabu paraphernalia at P1,000 buy-bust money.

Dinala na sa crime laboratory ang mga nasabat na iligal na droga habang mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.