Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P29B kailangan `pag sinara NCR, Calabarzon

0 238

Aabot sa P29.7 bilyon ang kailangang pondo ng gobyerno para mabigyan ng ayuda ang mga residente ng National Capital Region at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sakaling ipatupad dito ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, sapat ang naturang pondo para mabigyan ng tig-P1,000 ang bawat residente katulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naniniwala si Salceda na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para sa ayuda matapos iutos ng Pangulo ang pagtaas ng dibidendo na kokolektahin sa mga government-owned and controlled corporation (GOCC) sa 75% mula sa 50%.

Pero ang pagkakaroon ng pondo ay hindi umano nangangahulugan na dapat ng mag-ECQ dahil sa negatibong epekto nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.