Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2B nawalang kita sa mga OFW

0 328

Nabawasan ng $49 milyon o P2.4 bilyon ang padala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga kamag-anak nitong Enero 2021.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), $2.895 bilyon o P140.4 bilyon lamang ang remittance ng mga OFW kumpara sa $2.944 bilyon o P142.8 bilyon noong Enero 2020.

Mahalaga ang remittance ng mga OFW sa ekonomiya dahil dito nanggagaling ang panggastos ng kanilang mga pamilya at ang mga ginagastos na ito ang isa sa mga mahahalagang nagpapagulong sa ekonomiya.

Sabi ng BSP, nabawasan ang padala ng mga OFW na ang kontrata ay isang taon o higit pa dahil bumaba ang kanilang remittance sa $2.219 bilyon o P107.6 bilyon noong Enero 2021 mula sa P2.274 bilyon o P110.3 bilyon ng parehong buwan noong 2020.

Subalit dumami naman umano ang remittance ng mga OFW na nagtatrabaho sa barko pati na ang mga may kontrata na mas maiksi sa isang taon.

Lumago ang kanilang remittance sa P609 milyon o P29.5 bilyon nitong Enero kumpara sa $603 milyon o P29.2 bilyon noong Enero 2020.

Ayon sa BSP, pinakamarami pa rin ang remittance mula sa Estados Unidos na katumbas ng 41% ng pinadadala ng mga OFW sumunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, Canada, United Arab Emirates, Qatar, Malaysia at Taiwan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.