Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2B Pasig River rehab arangkada na – SMC

0 18

Sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang limang taon na rehabilitation project sa Pasig River.

Katuwang ng SMC sa paglilinis ng Pasig River ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iba pang ahensiya ng gobyerno at mga alkalde sa Metro Manila.

Sa pahayag ng SMC, ito na ang pinakamalaking river rehabilitation project sa bansa kung saan ay inanunsiyo rin ni SMC president Ramon S. Ang na ginawa nang P2 bilyon ang inilaang pondo ng kompanya para sa nasabing gawain.

Sabi ni Ang, may mga isinagawa nang paglilinis sa Pasig River sa mga nakalipas na panahon subalit dahil na rin sa ilang dekadang polusyon at iba pang suliranin ay naging “biologically dead” na ang ilog simula noong 1990s.

“We hope that with the resources and technical know-how that we are bringing into the effort today–along with the continued support of our national government agencies and local government units–we can all make a bigger difference,” pahayag pa ni Ang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.