Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2K bayad sa walang facemask sa Pasay

0 296

Pagmumultahin ng P2,000 ang sinumang mahuhuling hindi naka-facemask sa lungsod ng Pasay ngayong pandemya.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 6098 ng Pasay City local government, obligadong magsuot ng face mask ang mga nasa Pasay City alinsunod sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Iisyuhan ng citation ticket ang mga violator na isusumite sa Office of the City Treasurer kasabay ng babayarang multa.

Nanawagan din si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga residente na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para labanan ang pagkalat ng virus. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.