Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M danyos kontra 2 doktor pinagtibay ng CA

0 372

Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desiayon ng Mababang Hukuman na nag-aatas sa dalawang doktor at community hospital na magbayad ng P2 milyong danyos sa isang appendectomy patient na tumigil ang pintig ng puso habang inooperahan.

Sa inilabas na ruling na may petsang Hulyo 30 na kahapon lamang inilabas sa media ng CA Special 18th Division sa pamamagitan ni Associate Justice Gabriel Ingles, kinatigan nito ang desisyon ng Lapu-Lapu City Regional Trial Court’s (RTC) .

Napatunayan umano na sina Dr. Theodore Abrenilla, Dr. Edgardo Tapang at ang Mactan Community Hospital ay dapat magbayad P2.12M danyos kasama ang interes sa pasyenteng si Rex Jonathan Uy.

Nalaman na Hunyo 4, 1997 ay na-admit si Uy sa MCHI dahil sa matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Na-diagnose si Uy na dumaranas ng appendicitis kaya sinalang siya sa emergency appendectomy.

Nang ipasok na sa operating room tumigil ang heart beat ni Uy matapos saksakan ng anesthesia ni Tapang at simulan ni Abrenilla ang skin incision.

Binigyan ng cardiac massages at in-intubate si Uy at bumalik naman sa normal ang pintig ng puso nito at blood pressure. Pero pagka-opera ay nakaranas ng seizure si Uy kaya binigyan ng long-acting muscle relaxant at sedative at ilang araw pa bago nagkamalay. Nagkaroon pa ng matagal na gamutan dahilan para idemanda niya ang dalawang doktor ng negligence.

Sinabi bg CA na nabigo ang 2 doktor na sundin ang preoperative procedures dahil hindi nila binasang mabuti ang preoperative data ng pasyente. (Juliet de Loza-Cudia/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.