Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M marijuana nabuking ng askal

0 17

Nang dahil sa isang asong kalye, nakuha ng mga awtoridad ang nasa P2 milyong bloke-bloke ng marijuana na iniwan sa kalsada ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon sa pulis, Linggo ng umaga, nakita ng mga construction worker na pilit binubuksan at kinakalikot ng aso ang dalawang kahon na iniwan sa Sitio Ngilin, Barangay Poblacion.

Pinuntahan ito ng mga pulis, binuksan at tumambad ang 19 mga bloke ng marijuana na kasama ang mga pinatuyong isda.

“Habang naglalakad sa daan ay may nakita siyang dalawang brown box na napatungan nong ginagamit nila sa construction plywood at ito ay kinakalkal ng aso,” ani Kalinga Provincial Police director P/Col. Davy Limmong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa construction worker, hindi nila nakita ang nag-iwan ng mga kahon. Paniwala ng pulis, bahagi ng modus ng sindikato ang pag-iwan sa mga kahon.

“Puwede ring binaba ito na parang allegedly nagtitinda or kwan ‘yong nag-deliver nito. So parang hindi halata. So ‘yon ‘yong siguro isang cover nila. So ang ginagawa is ‘pag kinontak sila, kinakausap, identify the place to be picked up,” ani Limmong.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa insidente. Dinala naman sa crime laboratory ng PNP ang marijuana. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.