Abante Tonite Interactive

P2M nanenok ng Chinese sa wire transfer

209

Ipinahuli ng isang consulting company ang isa nilang tauhan na Chinese national matapos umanong makatangay ng malaking halaga ng pera (Chinese money) sa pamamagitan ng wire transfer kamakalawa sa Pasay City.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ngayon ng suspek na si Liu Jie, nasa hustong gulang, binata, finance officer ng Fly Asian International Corporation sa Andrews Avenue, Newport City, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, tumawag sa kanila ang pamunuan ng Fly Asian International Corp. alas-7:30 nang gabi at iniulat ang pag-aresto nila kay Liu dahil sa pagnanakaw sa kanilang kompanya.

Agad namang itinurn-over ng security personnel ng kompanya ang suspek sa rumespondeng mga pulis.

Sinabi ni Lamberto Lauengco, 27, corporate secretary ng Fly Asian na nagsagawa ang kompanya ng liquidation at lumabas na tinangay ng suspek ang nasa 286,807 RMB o katumbas ng higit P2 milyon sa pamamagitan ng wire transfer.

Nang komprontahin si Liu, sa halip na magpaliwanag ay tinangka niyang tumakas palabas ng kompanya dahilan para pigilan ito ng mga guwardiya at dakpin. (Armida Rico)