Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M plantasyon ng marijuana nakubkob

0 53

MAHIGIT P2 milyong high-grade marijuana plantation ang nakubkob ng pinagsanib Sugpon Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement-Ilocos Sur (PDEA-ISUR) noong Lunes ng hapon.

Ayon sa SMPS, alas-12:10 ng hapon ay nakipag-ugnayan sa kanila ang PDEA-ISUR hinggil sa marijuana plantation sa boundery ng Barangay Licungan, Ilocos Sur at Barangay Tacabang, Kibungan, Benguet.

Nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang SMPS at PDEA-ISUR at natunton ang iligal na taninam.

Sinira ang mahigit 13,000 fully grown marijuana, 300 pirasong seedling nito na umaabot sa P2.6 million. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.