Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M shabu dinagit sa 4 tulak

0 184

Kulungan ang bagsak ng apat na tulak ng iligal na droga matapos malambat sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan ng P2,312,000 halaga ng shabu sa Marikina City.

Batay sa ulat ng Eastern Police District kinilala ang mga suspek na sina Noel Del Rosario, 33; Sonny Boy Manalili, 32, Ariel San Pascual, 38, at Jherelyn Saceda, 34, pawang mga residente ng Marikina City at naaresto alas-9:45 Martes ng gabi sa Carnation St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday.

SM food to go Banner Ad

Nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa mga suspek para makabili ng shabu. Nakumpiska mula sa apat ang tatlong transparent plastic bag na naglalaman ng shabu, limang maliit na plastic sachet, 10 medium transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa 340 gramona agad na dinala sa EPD Crime Laboratory.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.