Abante Tonite Interactive

P2M shabu nakuha sa naarestong akusado sa tangkang pagpatay

248

Part 3

Isang maliit na mesa lang ang pinag­lalagyan ng mga pa­ninda ni Marissa dahil hindi masyadong maliit ang mga eskinita sa kanilang lugar sa Barangay San Jose.

Bigo kasing makakuha ng regular na trabaho si Reynaldo kaya’t habang abala ang kanyang misis sa pagtitinda ay siya ang umaasikaso sa kanilang mga anak.

Sa panayam ng TUGIS sa 62-anyos na si Ofelia Madrid, volunteer peace keeper ng Barangay San Jose na ninang at tiyahin sa pinsan ni Jay-Ar, sinabi niya na dahil na rin sa paghihikahos ng pamil­ya, naging magulo ang buhay ng kanyang inaanak.

Kahit aniya sa murang edad ni Jay-Ar, natuto siyang dumiskarte ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagiging ‘bakaw’ na bansag sa kabataaang nangunguha ng mga isdang tumatalon sa mga banyera sa bagsakan ng mga huli sa Boulevard Market 3 sa loob ng Navotas Fish Port Complex sa Barangay North Bay Boulevard North (NBBN).

Madalas ay nahuhuli ng mga fish dealer ang kabataan, kabilang na si Jay-Ar, sa ginagawang pagbakaw sa mga tumatalong isda sa banyera subalit dahil sa pagiging menor de edad, ipapasa lang siya sa barangay kaya’t kalaunan ay pawawalan din.

Dahil nasanay na sa paglalabas-masok sa barangay si Jay-Ar, pabalik-balik lang lang din siya sa pamba-bakaw ng mga isda sa pagnanais na kumita ng kaunting salapi na kanyang ibinebenta sa mga mamimili ng tingi-tingi sa loob din ng fish port.

Ang pananatili ng matagal sa Market 3 sa loob ng Navotas Fish Port Complex ni Jay-Ar para maghanapbuhay ang naging daan upang magkaroon na rin siya ng mga kaibigan na kanya ring ka-edad subalit sa murang gulang ay natuto ng gumamit ng ilegal na droga.

Hindi kaila sa marami na naging lantad ang bentahan at paggamit ng iligal na droga sa loob ng fish port partikular sa Market 3 dahil na rin sa laki ng komunidad na karamihan ay kumikita sa pondohan ng isda habang ang iba’y sa pagbebenta ng iligal na droga.