Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M shabu sinamsam sa Quiapo

0 176

Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) ang tinatayang P2 milyong halaga ng shabu, habang tatlo ang arestado sa Quiapo, Maynila kahapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Abolkahair Mapandi, Jamilah Mapandi, at Cathy Fatima Ampatoa. Nabatid kay P/Lt. Col. John Guiagui, ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Gonzalo Puyat Street, dakong alas-2:30 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Isa umanong poseur buyer ang nakabili ng shabu sa mga suspek at nang matapos ang transaksiyon ay isinagawa ang pag-aresto.

Narekober ng mga awtoridad ang 500 gramo ng shabu,P1,000 buy-bust money, at wallet.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.