Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M shabu tiklo sa Jollibee parking

0 274

Hindi na nakapalag pa ang dalawang lalaki matapos dakmain ng mga awtoridad sa pagtutulak ng 300 gramo ng shabu sa parking lot ng Jolibee sa Barangay Sta. Lucia sa Pasig City, nitong Sabado ng hapon.

Ang mga suspek na na sina Manuel Magay, 23 at Alvin Tulip, 30, kapwa taga-Barangay Rizal, Makati ay agad na pinosasan matapos makumpiskahan ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalagang P2,040,000 milyon.

Sa inisyal na report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ala-1:30 ng hapon (Aug. 22) nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek sa parking lot ng Jolibee De Castro, Brgy Sta. Lucia sa lungsod.

Natunugan umano ng PDEA kaugnay ang malakihang bentahan ng shabu ng mga suspek kaya agad silang nakipag-koordinasyon sa Pasig police at agad na nagkasa ng operasyon.

Nakakulong ngayon sa PDEA headquarters ang dalawa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.