Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P2M taklobo nasabat sa Palawan

0 63

Laglag sa kamay ng mga awtoridad sa Narra, Palawan ang isang lalaki na nahulihan ng isang toneladang giant clam o taklobo na tinatayang aabot sa P2.5 milyon ang halaga kamakalawa ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, sinagawa ang paghuli sa suspek na kinilalang si Markin Claud, 32-anyos, sa Purok Bagong Lipunan, Brgy. Teresa. Wala umano itong naipakitang legal na dokumento nang siyasatin ang kanyang dalang mga taklobo.

Mahaharap ito sa kaukulang kaso, dahil tinuturing na threatened species ang mga taklobo at kabilang sa red list ng International Union for Conservation of Nature.

Leave A Reply

Your email address will not be published.