Abante Tonite Interactive

P2P bus mula C. Luzon to Manila ilulunsad

By
15

Nakatakdang ilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang point-to-point (P2P) bus transportation mula Central Luzon hanggang Maynila.

Ito ay matapos alisin ng DOTr ang ­moratorium sa pagi-isyu ng prangkisa sa mga provincial bus matapos ang 24 na taon.

Ang nasabing bus ay bibiyahe mula Clark ­International Airport hanggang Ninoy Aquino ­International Airport (NAIA) sa halagang P350 one-way trip.

Una rito, magugunita na hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat ang operasyon ng ilang domestic at international flights sa Clark upang mabawasan ang traffic sa Maynila.

Ang nasabing P2P bus ay may biyahe ring Clark-Trinoma na nagkakahalagang P250 at Clark-Ortigas sa halagang P300.