Abante Tonite Interactive

P2P bus rides sa SEAG

0 197

Magandang balita para sa mga nais na manood ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Sabado, Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulacan.

Sa inaasahang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko bunsod sa pagsasara ng mga daraanan sa SEAG opening, nag-alok ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng ‘point-to-point’ (P2P) bus services upang sunduin ang mga nais na manood sa PH Arena.

Ayon sa LTFRB nitong Martes, may dalawang ‘pick-up locations’ sa Metro Manila – Trinoma sa norte, at Parañaque Integrated Terminal Exchange sa south.

Wala namang pinalabas na schedule sa biyahe, pero batay sa anunsiyo ng ahensiya, ang first trip patungong venue ay ay alas-dos nang hapon. Ang galing sa north ay P100 ang bayad at sa south ay P150.

Tumatanggap na ang LTFRB ng aplikasyon para sa special permits ng P2P buses na bukas sa lahat ng mga unit. (Dolly Cabreza)