Abante Tonite Interactive

P2P exempted sa bus ban

By
1,236

Good news sa point to point commuters, bad news sa provincial buses.

Ito ang kahihinatnan ng mga bus company­ at pati na mga commuterspagsapit ng Agosto 1.

Ngunit bago ang lahat, nais nating iparating ang karampatang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik ng Special Screening Projec­t ng multi-awarde­d movi­e ‘Ang Larawan’ na ginanap kahapon sa Cinema 12 ng SM Megamall.

Inorganisa ang naturang movie fundraise­r ng bagong sektor ng Marriage Encounter Immanuel Community sa pakikipagtulungan ng Culturtain Productions sa pangunguna ng pamosong singer-actress Rachel Alejandro.

Sa lahat po ng kumuha ng ticket, buong-pusong pasasalamat ang ipinaparating ng encountered couple members ng Immanuel Community.

We cannot thank you all enough but God knows who, where you are and what’s in your hearts. God bless!

Ngayon balik na ta­yong muli sa balitang bus.

Pag-decongest ang layunin ng MMDA sa pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA at pati sa ruta ng Pasay.

Bilang isa sa libo-libong motorista na madalas bumagtas sa mga naturang t­horoughfares, sang-­ayon tayo sa panukalang ito ng MMDA.

Mantakin mong iwaksi ang higit sanlibong malalaking sasakyan sa EDSA, aba’y malaking kaginhawaan ito.

Ngalang, may iti­nakdang oras lamang ang ban na ito na hindi kalakip ang mga P2P bus.

Mula alas-siyete nang umaga hanggang alas-10 nang umaga ang ban sa provincial buses at mula alas-sais nang hapon hanggang alas-nuebe nang gabi naman.

Ang dahilan dito kung bakit hindi ipinasakop ng MMDA ang mga P2P bus ay sa kadahilang tuloy-tuloy ang takbo ng mga ito hanggang sa makara­ting ito sa paroroonan.

Hindi puwede magsakay at magbab­a ang mga P2P bus along the way hindi gaya ng mga takaw-pasaherong bus na tigil-larga ang ginagawa na nakakagawa nga naman ng trapiko.
Abangan natin sa Agosto 1.