Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.2M marijuana winasak sa Kalinga

0 224

Aaabot sa P3.2 milyong halaga ng mga marijuana ang binunot at sinunog ng mga Kalinga- Philippine National Police sa otoridad sa Barangay Laccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Kalinga-PNP director P/Col. Davy Li-mmong, dalawang araw isinagawa ang pagsira sa mga marijuana sa lugar at natapos lamang Huwebes. Bagama’t walang nahuling mga cultivator ay mayroon umanong patunay na inaalagaan ang mga nasabing marijuan.

Samantala, mahigit P300,000 ang halaga marijuana oil, seedling, at shabu pa ang nakumpiska sa magkasunod na operasyon ng Kalinga-PNP.

Una rito ay sinilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa mag-asawang sina Merlyn at Kenneth Cardenas mga residente ng Lacnog, Kalinga. Nakuha sa kanilang bahay ang half gallon ng marijuana oil kasama 15 piraso pa nito na nakalagay sa bote, 12 marijuana seedlings at limang sachet ng shabu.

Kasunod nito, nakuha rin ang isa pang marijuana oil at seedlings mula naman kay Rufuna Gimba na residente rin sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Li-mmong na nasa target list nila si Gimba habang newly identified naman ang mag-asawang Cardenas. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.