Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.2M ukay-ukay nasabat sa Pasay

0 388

Umaabot sa P3.2 milyong halaga ng ukay-ukay ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) sa Malibay, Pasay City.

Ayon sa Bureau of Customs, sa koordinasyon sa Customs Intelligence and Investigation Service at Philippine Coast Guard, nakumpiska ng Enforcement and Security Service ng MICP noong Miyerkoles ang may 400 bales ng mga segunda-manong damit sa ginawang pag-iinspeksyon.

Iniimbestigahan pa kung sino ang may-ari ng mga naturang ukay-ukay para mapanagot sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.