Abante Tonite Interactive

P3.4M shabu nakapkap sa OFW

0 338

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong katao kabilang ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos makumpiskahan ng may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon sa buy-bust operation sa Western Bicutan, Taguig City, Biyernes nang madaling-araw.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang mga suspek na sina Zainab Pamansag, 27, OFW, taga-Intramuros, Manila; Joel Undong, 30, tricycle driver, ng Taguig City; at Aiza Abdul, 29, ng Culiat, Quezon City.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw kamakalawa nang maaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng operatiba ng PDEA RO-NCR, sa pangunguna ni IA V Mary Lyd M. Arguelles, sa FTI Terminal Arca South, Western Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 pakete ng shabu, na tumitimbang ng 500 gramo at Standard Drug Value na P3.4 milyon.

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA headquarter. (Dolly Cabreza/Armida Rico)