Abante Tonite Interactive

P3.4M shabu nakulimbat ng PDEA sa mall parking lot

By
384

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang kilabot na drug pusher habang limang katao ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon nang umaga.

Base sa report, nagkasa ng operasyon ang mga kagawad ng PDEA sa parking lot ng isang shopping mall sa Parañaque City kung saan nagtagpo ang mga undercover na pulis at dalawang drug suspect na kinilalang sina alyas ‘Arnel’ at alyas ‘Oscar’.

Mula sa mall ay lumipat ang grupo sa may Barangay BF Homes at nang makumpleto ang kanilang transaksyon, dakong alas-6:45 kahapon nang umaga nang tuluyang arestuhin mga suspek.

Nagawang makatakas ni Oscar at nakumpiska mula kay Arnel ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P3.4 milyon.

Itinanggi ni Arnel na sa kanya ang droga at sinabing kararating lang niya sa Maynila mula Cotabato at ayon dito ay wala aniya siyang kinalaman sa pagbebenta ng droga at posibleng ang kasamahan aniya ang tulak nito.