Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P3.4M shabu nakumpiska sa 5 magkamag-anak

0 24

Arestado ang limang magkakamag-anak habang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang sinasabing nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at National Capital Regional Office sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ni P/Maj. Gen. Vicente Danao ang mga suspek na sina Princisita Baybayon, 35-anyos; kapatid nitong si Dante, 30; Jessica Balabis, 29; Eva Mabulay, 59, vendor; at Lester Ferrer, 35, pawang mga residente ng Granate St., Brgy. 766, Zone 83, San Andres Bukid.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naganap umano ang buy-bust nang alas-8:30 ng gabi kung saan target ng mga awtoridad si Baybayon.

Nang magkaabutan ng droga at marked money sa nagsilbing poseur buyer ay dinamba na ang target. Sa kabila na isa lamang ang target sa operasyon, naaresto rin ang apat na kasama nito sa bahay na sinasabing kamag-anak niya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.